Blogger Widgets
CLICK HERE FOR FREE BLOG LAYOUTS, LINK BUTTONS AND MORE! »

Lunes, Hulyo 30, 2012

Problema sa Ekonomiya ng Bansang Pilipinas

Ano ang ekonomiks?
Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ang mga limitadong pinagkukunang yaman upang makagawa at maipamahagi ang ibat-ibang produkto at serbisyo sa mga Tao at ibat-ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at hinaharap




Isa sa mga kinakaharap na Problema ng Pilipinas sa ekonomiya ngayon
Pagtaas ng Singil ng Kuryente

Bakit tumataas ang Kuryente?!

1. Dahil sa pagsasapribado ng NAPOCOR. Artipisyal na itinaas ng gubyerno ang halaga ng kuryenteng nililikha (generation charge) upang ang NAPOCOR ay mabilis na maibenta ng gubyerno.

 2. Dahil sa maanomalyang kontrata ng gubyerno sa mga Independent Power Producers o IPPs na kahit di nagdedeliber ng kuryente ang mga ito ay binabayaran ito ng konsyumer. Ito ang rason kung bakit sa mga lumang resibo natin ng kuryente ay merong PPA o Purchased Power Adjustment na pinalitan na ngayon ng sari-saring item sa ating electric bill.

3. Dahil sa pandaraya ng MERALCO at iba pang distributor na pabayaran sa atin ang system loss at ipatong sa system loss ang kanyang sariling gastos sa kuryente na nagkakahalaga taun- taon ng P427.5M ( 72M Kwhs), ang ipatong sa distribution charge ang sarili niyang corporate tax (P30B sa kabuuan), kolektahan ng deposit ang mamamayan (kabuuang P20B) at ang pabayaran ang metrong ikakabit (kabuuan din itong P2.7B) at ang pagpapasa sa mamamayan ng kanyang gastos sa pension Fund ng mga empleyado.

Lahat ng pandarayang ito ay ibinunga ng pagkakaron ng batas na EPIRA na naging basehan ng makasariling interpretasyon upang ipuslit ang pandaraya sa mga consumer at pag-aalis ng dating subsidy sa mga mahihirap at higit sa lahat ang pribatisasyon ng serbisyo sa kuryente na dating ginagawa ng gubyerno. Ang oryentasyong pangserbisyo sa publiko ay napalitan ng pagkakamal ng tubo.



Paggawa ng Teorya


Maraming nakaambang resulta ang patuloy na pagtaas ng ating kuryente. Nariyan ang sabay sabay na pagtaas ng mga bilihin. Sa oras na tumaas ang kuryente, maapektuhan rin ang kalagayan ng mga bilihin sa merkado, dito magsisimulang magtaas ang mga pangunahing bilihin. Sa pagtaas rin ng Kuryente nagsisimula namang dumaing ang mga mahihirap, lalo na yung mga taong sapat lang ang pera para sa kanilang pagkain. Nagiging salik rin ng pagtaas ng Kuryente ay ang dumudobleng populasyon sa bansa. Kapag maraming populasyon tumataas ang demand ng tao kaya naman nagmamahal rin ang mga halaga ng bilihin. Nahihirapan rin ang pamahalaan na kontrolin ang presyo ng kuryente dahil sa tambak pa rin ang utang ng NAPOCOR mula noong termino pa lamang ni Pang. Gloria. Kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng kuryente baka ito pa ang maging dahilan ng pagsadsad ng ating ekonomiya sa Lupa dahil may ilang pamilyang hindi na makayanan ang sabay sabay na pagtaas ng presyo. Kung ating susuriin mas marami ang pamilyang mahirap kaysa mga pamilyang may kaya sa buhay.


Datos


Kabilang sa mga dahilan ng pagsasabatas ng EPIRA Law ay upang masiguro ang sapat na suplay ng kuryente sa nararapat na presyo sa pamamagitan ng pagsasapribado ng mga power plants ng National Power Corporation o NAPOCOR. Ito ay sa kadahilanang hindi na kayang tustusan ng gobyerno ang lumalaking utang ng NAPOCOR na siyang namamahala sa mga power plants na umabot sa 1.24 trilyon pesos o katumbas sa 24% ng buong utang ng gobyerno noong 2003. Dahil dito, ang gobyerno ay napilitang ibenta ang mga power plants upang matigil ang pagtaas ng utang at ang kikitain nito ay siyang pambayad sa pagkakautang. Nagkaroon ng 10 taong suspensyon sa pagsasapribado ng mga planta dito sa Mindanao mula 2001-2011. Dahil sa sobrang suplay ng kuryente na nagmumula sa hydropower plants ng Agus at Pulangui, naging sapat ang supply ng kuryente na natatanggap ng mga electric cooperatives kahit NAPOCOR lamang nag-iisang pinagkukunan. Dahil sa maayos na suplay ng hydro plants na umabot sa 52% ng supply sa Mindanao, walang nadevelop na bagong planta. Naramdaman lamang ang kakulangan nitong 2010 ng maganap ng El Ni┼ło Phenomenon na kung saan bumaba ang level ng tubig sa hydro plants at nalimitahan ang enerhiya na kaya nitong i-generate na nagdulot naman ng mahabang brownout sa Mindanao. Nitong nakalipas na taong 2011 ay tuluyan ng naibenta ang 2 power barges ng NAPOCOR sa Aboitiz Power Corporation na may kapasidad na 200 MegaWatts (MW).

Ang patuloy na pagtaas ng demand sa kuryente, pabago-bagong supply ng hydro plants at pagsasapribado ng mga power barges ay nagdulot ng kabawasan na umabot sa 30% ng suplay mula sa NAPOCOR para sa mga electric cooperatives nitong 2011-2012. Dahil dito, nagpasya ang SUKELCO na kumuha ng supply mula sa Aboitiz Power sa mas mataas ang presyo upang patuloy na matugunan ang tumataas na demand. Buwan ng Pebrero ay nagkaroon ng 3-MW na kontrata sa Aboitiz Power na nagdulot ng 35 centavo na pagtaas sa presyo ng kuryente at 5-MW sa buwan ng Marso na inaasahang magkakaroon ng 61 centavo na pagtaas. Dahil sa nakaambang mas malaking kakulangan sa buwan ng Abril at Mayo sa pagkawala ng suplay mula sa Pulangui 4, itinaas sa 7-MW ang inaasahang kukunin na magdudulot ng 85 centavo na pagtaas sa taripa. Ang karagdagang supply na ito ang magpapanatili sa kawalan o mababang oras ng brownout sa SUKELCO. Ang paghahanap ng karagdagang suplay mula sa bagong power plant na makapagbigay ng consistent supply ang ginagawan ng solusyon sa ngayon ng SUKELCO bilang kasama sa 21 electric cooperatives sa Mindanao na kasalukuyang nagpapa-bid para sa 300-MW baseload plant na inaasahang makapaghatid ng karagdagang suplay sa taong 2017.

Sa kasalukuyan, ang Mindanao ay may kakulangan na 170MW dahil mayroon lamang 1,280MW na suplay para sa 1,300 na demand at karagdagang 150 MW para sa operational reserves. Ito ang pangunahing dahilan ng nararanasan nating kakulangan sa kuryente. Sa panahon ng tag-init o pagkakataon na magkakaroon ng aberya ang alin man sa mga power plant o sapilitang pagpapahinto para sa pagmementena nito, aasahan ang mas mahaba pang brownout, tulad nitong buwan ng Abril at Mayo sa pagkawala ng 150-MW mula sa Pulangi 4 dahil sa rehabilitasyon nito.
Sa isinagawang Mindanao Power Summit nitong Abril 13, 2012 sa Davao City na dinaluhan ni Pangulong Benigno Aquino III at ibat-ibang sector sa Mindanao, pinaliwanag ng Pangulo na ang hydro plants ay hindi na maaasahan upang suplayan ang tumataas na demand at kinakailangan ng magkaroon ng mas maaasahang power plants na makapagsuplay sa 24/7 na demand tulad ng Coal at Natural Gas. Kabilang sa proyekto ng gobyerno upang matugunan ang kasalukuyang kakulangan na 170-MW ay ang rehabilitasyon ng Pulangi 4 na magdudulot ng karagdagang 100-MW at ang nalalabing 70-MW ay matutugunan kung papayagang gamitin ng mga pribadong kompanya tulad ng mga malls ang kanilang embedded power plants. Sa susunod na mga taon, ipapatupad ang rehabilitasyon ng Agus 2 at Agus 6 na inaasahang makapag-generate ng karagdagang 79-MW. Sa patuloy na panawagan ng Mindanaoans na ihinto ang pagsasapribado ng hydro plants, sang-ayon ang Pangulo dito ngunit pansamantala lamang. Iginiit nya ang napakalaking utang ng NAPOCOR na dapat bayaran ng gobyerno sa pamamagitan ng kikitaing halaga mula sa power plants at hindi na maaasahan ang hydro bilang pangmatagalang solusyon dahil ayon sa pag-aaral, inaasahan ang pagbago ng panahon sa Mindanao na kung saan mas kakaunti ang ulan sa darating na mga susunod na taon na dulot ng climate change. Sa ganitong sitwasyon, iginiit ng Pangulo na ang kasalukuyang murang halaga ng kuryente ay hindi na sustainable, kinakailangang magbayad ng mas mahal ng konti upang masiguro ang stable supply ng kuryente.

Ang pakiusap sa ating mga member-consumers ay ang ibayong pagtitipid sa paggamit ng kuryente at kung maaari ay iwasang gumamit tuwing peak hours (2PM to 4PM at 7PM to 9PM) upang maiwasan ang mas mahal na taripa. Ang hamon naman sa SUKELCO ay kung paano balansehin ang pagtugon sa tumataas na demand at ang pagsisikap na panatilihing mababa ang presyo ng kuryente.

KONKLUSYON


Hindi masamang magtaas ng presyo ngunit sana tiyakin ng pamahalaan na bago sila magtaas ay siguraduhin muna nilang kaya ng mga normal na tao ang mga panukalang ito. Marami pang alternatibong paraan upang makakuha tayo ng kuryente, ngunit parang tila hindi ito nakikita ng pamahalaan at patuloy nilang pinipilit yung mga paraang alam nila na mas mapapamahal pa ang mga mamayan. May ilang mga paraan para mapigil ang pagtaas ng kuryente una, Rebisahin ang naging batayan ng patatas ng presyo ng kuryente. Kanselahin ang mga di makatarungang kontrata sa mga IPPs. Alisin ang systems loss, ipasagot ito sa Napocor, Meralco at iba pang distributor. Ibasura ang EPIRA. Ang batas na nag-alis sa subsidies at magbigay ng ligalidad sa mga maanomalyang charges ng Meralco at Napocor at sa pribatisasyon ng serbisyo sa kuryente. Peoples Control sa management at pagpe-presyo ng kuryente. Gamitin ang bilyon-bilyong pisong refund ng mga consumer bilang share of stocks sa Meralco at iba pang distributor.


0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento